|
||||||||
|
||
Kasabay ng patuloy na lumalalang situwasyon ng COVID-19 pandemic sa Amerika, lumilitaw sa loob ng Amerika ang parami nang paraming pagpuna sa di-epektibong pamumuno ng pamahalaan ni Pangulong Donald Trump. Ngunit, walang tigil na ibinabaling nina Trump at kanyang mga tagasuporta ang sisi sa iba na gaya ng Kongresong Amerikano at World Health Organization (WHO), sa halip na pakinggan ang palagay ng mga mamamayan nito at isaayos ang mga polisya sa pakikibaka laban sa epidemiya. Kamakaila'y sinisiraan ni Trump ang Tsina dahil "nilikha ng Tsina ang virus sa laboratoryo." Ngunit, agarang binatikos at pinabulaanan ng mga media at eksperto ang nasabing "conspiracy theory".
Inilathala kamakailan ng BuzzFeed, American news website, ang ulat ng imbestigasyon na pinamagatang "Hindi pa natuklasan ng mga siyentista ang anumang ebidensyang nagmula ang coronavirus mula sa Wuhan Institute of Virology, lantarang pinapalaganap nina Trump at mga tagasuporta ang walang batayang alegasyon. Tinukoy nito na talagang "conspiracy theory" ang pahayag na ang "coronavirus ay nilikha sa laboratoryo." Ang mga tao na taglay ng opinyong ito ay nakatingin sa kapakanang pulitikal lamang, dagdag pa nito.
Direktang binatikos sa social media ni Jeremy Konyndyk, mataas na mananaliksik ng Center for Global Development (CGD) ng Amerika, na bagama't puspusang hinahanap ng administrasyon ni Trump ang ugnayan sa pagitan ng coronavirus at laboratoryong Tsino, wala pa silang matatag na katibayang nahahanap hanggang sa ngayon.
Ipinalalagay naman ni Vincent Racaniello, propesor ng Columbia University, na ang naturang pananalita ni Trump ay bunsod ng hangarang pulitikal.
Tungkol sa nasabing "conspiracy theory," sinabi ni Dr. Fauci, Puno ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) ng Amerika, na ang kaukulang pag-aaral sa gene order ng corona virus ay napakalinaw na nagpatunayang ang virus ay kinalat sa tao mula sa hayop sa halip na magawa ng tao.
Ipinalabas sa "NatureMedicine" ni Kristian Andersen, propesor ng Scripps Institute ng Amerika, na kung ihahambing ang 2019-nCoV sa iba pang nabatid na 6 na uring coronavirus na nahahawan ng mga tao, magagawa ang konklusyong hindi gawa ng tao ang 2019-nCoV.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |