|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Mayo 8, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Binati si Xi, sa ngalan ng pamahalaan ng Tsina at mga mamamayang Tsino, ang Rusya at mga mamamayang Ruso, sa pagdiriwang ng ika-75 Anibersaryo ng Tagumpay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Mayo 9.
Binigyan-diin ni Xi na bilang matagumpay na bansa sa World War II at pirmihang miyembro ng United Nations Security Council, isinasabalikat ng Tsina at Rusya ang partikular na misyon ng pangangalaga ng kapayapaan at katiwasayan ng daigdig, at pagpapasulong ng pag-unlad ng buong sangkatauhan. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ang Rusya, na buong tatag na pangalagaan ang bunga ng World War II at katarungan ng daigdig, suportahan ang multilateralismo, ibigay ang ambag para sa kapayapaan at pag-unlad ng daigdig, at pangalagaan ang kaayusang pandaigdig.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nilalabanan ng komunidad ng daigdig ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ipinahayag niya na batay sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, dapat magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig, para matamo ang tagumpay sa labanang ito na kaugnay ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag naman ni Putin na nakahanda ang Rusya na palakasin ang komprehensibong estratehikong kooperasyon sa Tsina, lubos na ipakita ang kapasyahan nang magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan ng daigdig, at tutulan ang anumang pananalita at aksyon na nais baguhin at kalimutan ang kasaysayan.
Pinasalamatan ng Putin ang Tsina sa ipinagkaloob na makataong tulong at materyal na medikal sa Rusya. Ipinahayag niya na nakahandang matutunan ng Rusya ang karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya. Binigyan-diin niya na tinututulan ng Rusya ang ilang puwersa na bumabatikos sa Tsina kaugnay ng epidemiya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |