Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi Jinping ng Tsina: matibay na alalahanin ang pag-asa ng ina at igiit ang orihinal hangarin mula sa puso

(GMT+08:00) 2020-05-10 15:36:54       CRI

Ang Mayo 10, 2020 ay Araw ng mga Ina.

Kaugnay nito, makikita sa tanggapan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ilang larawan ng kanyang pamilya. Kabilang dito ang isang litratong kinuha habang naglalakad siya kasama ng inang si Qi Xin na kumakatok sa puso ng napakaraming tao. Malaki ang natutunan ni Xi sa pagtuturo ng ina.

Hindi malilimutan ni Xi ang araw na binili ng kanyang ina mula sa Xinhua Bookstore ang aklat tungkol kay Yue Fei, na isang pambansang bayani ng Dinastiya ng Katimugang Song. Isinalaysay ni Qi Xin kay Xi, ang istorya kung bakit "Itinato ng Ina ni Yue Fei ang mga Karakter sa Kanyang Balat." Dahil dito, tumatak sa puso ni Xi ang apat na salitang "Jing Zhong Bao Guo (buong-pusong katapatan sa paglilingkod sa bansa)." Ang mga salitang ito ang naging haligi ng mga hangarin ni Xi sa kanyang buong buhay.

Minsa'y sinabi ni Xi na bilang mga magulang, dapat ipakita ang magagandang ideya ng moralidad sa mga bata para bigyang-patnubay sila tungo sa pagkakaroon ng katapatan, prinsipyo at dignidad. Ito ani Xi, ay nakakatulong sa mga bata na magkaroon ng mabuting puso at magpapasulong sa kanilang malusog na paglaki upang maging kapaki-pakinabang na tao para sa bansa at mga mamamayan.

Sa silid-aralan ng pamilya, natutunan ni Xi ang malalim na damdamin para sa kanyang pamilya at buong bansa, at nakapagpalakas sa kanyang katapatan, prinsipyo at dignidad bilang isang tao.

Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pagmamahal ng pamilya. Ngunit, dahil siya noon ay isang kadre, sa napakaraming okasyon at pestibal, di siya nakauwi para makasama ang pamilya.

Sa Spring Festival ng taong 2001, tinawagan si Xi ng kanyang ina: si Xi noon ay Gobernador ng probinsyang Fujian ng Tsina. Sinabi ng kanyang ina, "ang lubos na pagpapabuti ng iyong gawain ay ang pinakamalaking pagmamahal at donasyon na maibibigay mo para sa amin ng iyong ama."

Pareho ang pinagmulan at pinag-ugatan ng "maliit na pamilya" at "malaking pamilya." Ang malalim na hangarin sa "pagsasabalikat" at "paggampan sa responsibilidad at tungkulin" ay nagmula sa pag-unawa at pagsuporta ng ina.

Taglay ang isang mapagmahal na puso para sa lahat ng mamamayan, hangarin ng pagpupunyagi ni Xi Jinping na magkaroon ng magandang buhay ang lahat ng mga pamilya sa bansa.

"Ang katuturan ng aking ideya sa pangangasiwa ay paglilingkod para sa mga mamamayan at pagsasabalikat ng sariling karapat-dapat na responsibilidad," sabi ni Xi.

Nitong mga taong nakalipas, kahit na nagbago ang gawain at posisyon, palagian at matibay na inaalala ni Xi ang pag-asa ng ina, at iginigiit ang orinihal na tawag at hangarin mula sa kanyang puso.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>