|
||||||||
|
||
Ilang artikulo ang sunud-sunod na ipinalabas ng ilang media ng mga bansang Aprikano nitong mga araw na nakalipas.
Kabilang sa mga ito ang pahayagang "The Standard" ng Kenya, pahayagang "Punch" at "Leadership" ng Nigeria, Ethiopian News Agency at pahayagang "The Reporter," Pambansang Telebisyon at pahayagang "The Star" ng Timog Aprika at iba pa.
Tinukoy ng mga artikulo na ang layon ng mga paninira ng Amerika sa isyu ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic ay ibaling sa Tsina ang sisi at pagtakpan ang mga dispalinghadong paraan ng pagharap sa pandemiya sa loob ng bansa.
Kasama na rin anila rito ang pagdungis sa bilateral partnership ng Tsina at Aprika.
Anang mga artikulo, ang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Aprika na itinatag batay sa paggagalangan, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ay hindi dapat sirain ng panig Amerikano.
Dapat mas mahigpit na magtulungan ang Aprika at Tsina, anila pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |