Mayo 7, 2020 (local time), inilabas ng pahayagang "The Sydney Morning Herald" ng Australya ang ulat na pinamagatang "Australya, nababahala sa walang batayang pahayag ng Amerika na 'nagmula ang virus sa laboratoryo ng Wuhan." Ayon dito, ang di-umano'y impormasyon sa secret files ng "Five Eyes Alliance" na nagsasabing "posibleng nagmula ang novel coronavirus mula sa Wuhan Institute of Virology (WIV) ay mula lamang sa ulat ng ibang media." Ayon pa sa ulat ng The Sydney Morning Herald, malaki ang duda ng pamahalaan ng Australya, na ang impormasyon sa di-umano'y secret files ng "Five Eyes Alliance" ay sinadyang "ibunyag" sa media ng isang staff ng Embahadang Amerikano sa Canberra.
Kasabay nito, parami nang paraming media ang nagbubunyag sa pulitikal na pagmamanipula ng mga diplomatang Amerikano sa Australia, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pekeng impormasyon sa lokal na media para atakehin ang Tsina. Ayon sa Norddeutscher Rundfunk (NDR) (North German Broadcasting), tinanong nila Mayo 7, ang German Federal Intelligence Service (BND), ahensiya ng intelihensiya ng Alemanya na kasapi sa "Five Eyes Alliance" hinggil sa isyung ito. Ayon sa BND, wala silang alam tungkol sa secret files na ito. Samantala, ipinahayag Mayo 8 ng "Der Spiegel" ng Alemanya, na ayon sa isang dokumentong panloob na ipinarating kay Annegret Kramp-Karrenbauer, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Alemanya, ang mga pananalita ng pamahalaang Amerikano na di-umano'y "nagmula ang coronavirus sa laboratoryo ng Wuhan" ay "intensyonal na pagbabaling ng sisi" para pagtakpan ang sarili nitong kamalian at ilipat ang poot ng mga mamamayang Amerikano sa Tsina.
Bukod dito, itinatanghal din ng pamahalaang Amerikano ang sarsuwelang may temang "mapagkunwaring pagbibigay-tulong." Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 6 ng punong diplomatang Amerikano na ipagkakaloob ng Amerika ang karagdagang 130 milyong dolyares bilang tulong sa pandaigdigang kalusugan at para na rin sa mga refugee. Bunga nito, lampas na aniya sa 900 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng ipinangakong tulong ng Amerika. Matatandaang maraming beses na ipinatalastas ng pamahalaang Amerikano ang pagbibigay-tulong sa daigdig, ngunit wala itong tunay na resulta. Kaugnay nito, ipinahayag ng Tsina, na sapul nang sumiklab ang COVID-19 pandemic, hindi pa nito tinanggap ang anumang tulong mula sa Amerika. Ipinahayag din ng embahador ng Palestina sa Pransya ang katulad na posisyon. Aniya, malinaw naming ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran na hindi kami umaasa sa tulong mula sa Amerika. "Hindi namin kailangan ang anumang "palipad-hanging tulong" ng Amerika," aniya pa.
Napakalinaw na sapul nang sumiklab ang epidemiya, madalasang nililikha ng ilang politikong Amerikano ang mga kasinungalinan, at puspusan nilang "ibinabaling ang sisi" sa Tsina. Ipinapakalat nila ang kasinungalingan upang linlangin ang ibang bansa na sumali sa kanilang maitim na balak na guluhin ang buong daigdig. Ang mga politikong Amerikanong ito ay masasamang puwersa sa opinyong publiko ng daigdig na naghahasik ng kadiliman.
Salin: Lito