Nitong nakalipas na ilang taon, masayang masaya ang pamilya ng 67-taong gulang na si Bai Gaoshan. Salamat sa patakaran ng paglilipat ng mahihirap sa mas magandang lugar panirahan, may bagong bahay ang kanyang pamilya. May-asawa ang anak na lalaki ni Bai Gaoshan, at mayroon na din siyang apo.
Nitong Lunes, Mayo 11, 2020, malugod na sinalubong ng pamilya ni Gao ang pagbisita ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa.
Sa kanyang paglalakbay-suri sa isang nayon ng Bayang Xiping, Datong City ng Lalawigang Shanxi, binisita ni Xi ang pamiliya ni Gao, at nakipag-usap sa kanila para alamin ang kanilang pamumuhay pagkaraang lumipat sa bagong lugar-panirahan.
Salin: Vera