|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Mayo 11, 2020, naglakbay-suri sa Lalawigang Shanxi si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa.
Bumisita muna si Xi sa isang organic daylily farm sa distritong Yunzhou, lunsod Datong, at isang nayon sa bayang Xiping upang alamin ang mga gawaing layon ay wakasan ang karalitaan doon.
Saad ni Xi, may prospek na pangkaunlaran ang industriya ng pagtatanim ng daylily. Dapat aniyang pangalagaan at mainam an paunlarin ang industriyang ito, upang maging kapakipakinabang sa mga mamamayan.
Diin niya, laging nagpupunyagi ang CPC para sa kaligayahan ng mga mamamayan, at namumuno sa mga mamamayan upang hanapin ang paraan ng paglikha ng kayamanan.
Pagkatapos nito, naglakbay-suri si Xi sa Yungang Grottoes para alamin ang kalagayan ng pangangalaga sa pamanang historikal at kultural doon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |