|
||||||||
|
||
Idinaos Mayo 13, 2020, sa Geneva, ng World Health Organization (WHO) ang regular na preskon hinggil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ni Michael Ryan, namamahalang tauhan ng Pangkagipitang Pangyayaring Pangkalusugan ng WHO na ang COVID-19 ay posibleng maging problema sa pangmalayuang panahon.
Mahirap aniyang tantiyahin kung kailan magtatagumpay ang sangkatauhan sa paglaban sa virus, at posibleng maging tulad ito ng influenza virus na hindi naglalaho.
Samantala, umaasa si Ryan na mapapaunlad ang epektibong bakuna at dapat maibigay ito sa lahat ng tao sa buong daigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Maria Van Kerkhove, opisyal ng WHO na napatunyan na sa ilang bansa na, sa pamamagitan ng pagkontrol at pagkuwarentina, maaaring makontrol ang pagkalat ng virus at mapanumbalik sa normal ang trabaho at pamumuhay sa buong lipunan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |