Ipinatalastas nitong Biyernes, Mayo 1, 2020 (local time) ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na palalakasin ng WHO at European lnvestment Bank (IEB) ang kooperasyon sa pakikibaka laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kabilang sa kanilang aktuwal na aksyon ay ang pagpapalakas ng pamumuhunan sa imprastrukturang pangkalusugan ng 10 bansang Aprikano, pagpapalawak ng pangingilak ng mga pondo para maigarantiya ang pagsuplay ng mga kagamitang medikal, at iba pa.
Salin: Lito