|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Biyernes ng gabi, Mayo 15, 2020 kay Cyril Ramaphosa, Pangulo ng Timog Aprika, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasalukuyang mabilis na kumakalat ang COVID-19 pandemic sa Aprika. Aniya, sa pamumuno ni Ramaphosa, isinasagawa ng pamahalaang Timog Aprikano ang isang serye ng hakbangin na natamo ang positibong bunga sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Sinabi ni Xi na patuloy na magkakaloob hangga't makakaya ang panig Tsino ng tulong sa Timpg Aprika, at palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangang medikal at pangkalusugan. Nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang madalasang pakikipagkoordina, at palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Timog Aprika sa mga multilateral na platapormang gaya ng BRICS, G20, at United Nations (UN) para mapasulong pa ang komprehensibo at estratehikong partnership at magkasamang mapangalagaan ang pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at mga umuunlad na bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa ang kahandaan ng Timog Aprika na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa. Pinasasalamatan din niya ang mga ibinibigay na tulong at suporta ng Tsina sa mga bansang Aprikano.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |