Tshwane — Dumalo Martes, Hulyo 24, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bangketeng panalubong na inihandog ni Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika sa pagdalaw ni Xi sa kanyang bansa at pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Pangulong Xi ang mainit na pagbati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Aprika. Nagpahayag din siya ng taos-pusong pasasalamat sa ibinibigay na ambag ng mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng dalawang bansa para sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Xi, napakalawak ng prospek ng relasyon ng Tsina at Timog Aprika. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng matatag na pagkatig ng mga mamamayan ng dalawang bansa, tiyak na matatamo ng relasyong ito ang mas malaking progreso.
Ipinahayag naman ng South African President ang kahandaan na magsikap kasama ng Tsina, upang mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, at patuloy na mapalalim ang kanilang kooperasyong pangkaibigan.
Salin: Li Feng