|
||||||||
|
||
Sapul noong lumitaw ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), walang humpay na ibinabaling ang sisi ng ilang politiko ng Washington sa pamamagitan ng paglikha ng pagkamuhi sa ibang lahi. Sinabi nang maraming beses ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang coronavirus ay "Wuhan virus" at ipinahayag niya ito sa mga pandaigdigang situwasyon; nagsinungaling naman si Peter Navarro, opisyal ng White House, na ipinadala ng Tsina ang eroplano na sakay ang libu-libong Tsino papunta sa Milan, New York at ibang lugar ng daigdig para ikalat ang virus.
Dahil sa naturang malisyosong pananalita ng mga politiko, sapul nang lumitaw ang epidemiya, lumalala ang diskriminasyon sa ibang lahi sa Amerika. Ang rasismo ay umiiral na problema sa lipunan ng Amerika, pero sa kasalukuyang kalagayan, dumagdag ito sa maraming hadlang sa paglaban sa epidemiya.
Ipinahayag ni Elizabeth Warren, Senador ng Democratic Party ng Amerika, na dahil sa pagpapairal ng rasismo, hindi nakukuha ng colored people ang mabuting serbisyong medikal. Sa harap ng epidemiya, ang kulay ng balat ay naging pamantayan ng kaayusan ng pagkaloob ng serbisyong medikal sa ilang ospital. Ayon sa estadistika noong Abril mula sa American Foundation for AIDS Research (AMFAR) at Rollins School of Public Health of Emory University, kahit 13% lamang ang proporsyon ng African American sa kabuuang populasyon ng Amerika, kabilang sa lahing ito ang 52% ng lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 58% naman ng mga nasawi sa sakit na ito.
Kaya, ang mga maling aksyon at pananalita ng ilang politikong Amerikano, ay naglalagay sa Amerika sa landas ng "kadiliman at poot." Tiyak na matatamo ang parusa ng mga tao na lumilikha ng pagkamuhi sa ibang lahi .
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |