Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 Global Analyst Summit na itinaguyod nitong Lunes, Mayo 18, 2020 ng Huawei Company, telecom giant ng Tsina, ipinahayag ni Guo Ping, kasalukuyang Chairman of the Board ng Huawei Company, ang mariing pagtutol ng kompanyang ito sa bagong limitadong limitasyon sa pagluluwas na ipinatupad ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika.
Ani Guo, mariing tinututulan ng Huawei Company ang pagsususog ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika sa direktang regulasyon ng produkto na nakatuon lamang sa Huawei.
Aniya, upang ibayo pang pigilin ang pag-unlad ng Huawei, binabalewala ng pamahalaang Amerikano ang pagkabahala ng maraming asosasyon ng industriya at bahay-kalakal, at walang tigil nitong pinapalawak at sinususugan ang direktang regulasyon ng produkto, bagay na nakakapinsala nang malaki sa mga kaukulang industriya.
Sinabi niyang kasalukuyang isinasagawa ng Huawei Company ang komprehensibong pagtasa sa nasabing pangyayari. Tinatayang di-maiiwasang maapektuhan ang kaukulang serbisyo ng Huawei. Samantala, magsisikap hangga't makakaya ang Huawei para hanapin ang kalutasan, dagdag pa niya.
Salin: Lito