Sa virtual news briefing na idinaos nitong Huwebes, Mayo 21, 2020 ng ika-3 sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress ng Tsina (NPC), sinabi ni Zhang Yesui, tagapagsalita ng sesyong ito, na sa talakayang idinaos kamakailan tungkol sa pagpawi ng karalitaan, isinagawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o Communist Party of China (CPC), ang komprehensibong pagsasaayos para sa de-kalidad na pagsasakatuparan ng hangarin ng usaping ito. Iniharap din aniya ni Xi ang isang serye ng mahalagang hakbangin para alisin ang mga negatibong epektong dulot ng COVID-19.
Tiyak na maisasakatuparan ang hangrin ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan sa nakatakdang panahon, dagdag pa niya.
Salin: Lito