Sa panahon ng Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o National People's Congress (NPC), sinabi Biyernes, Mayo 22, 2020 ni Han Changfu, Ministro ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina, na nitong nakalipas na 5 taong singkad, nanatiling higit sa 750 bilyong kilogram ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina, at mas mataas kaysa pandaigdigang pamantayan ng seguridad ng pagkaing-butil ang per capita share of grain ng Tsina.
Aniya, hindi mangyayari sa Tsina ang krisis ng pagkaing-butil.
Salin: Vera