Sinabi Biyernes, Mayo 22, 2020 ni Liu Kun, Ministro ng Pinansya ng Tsina, na dapat maging mas mapangahas at mas mabisa ang proaktibong patakarang piskal ng Tsina sa kasalukuyang taon.
Saad ni Liu, sanhi ng epekto ng pandemiya ng COVID-19, bababa ang kitang piskal, kaya iminungkahi ng kanyang ministri na pataasin sa 3.6% ang deficit rate, at dagdagan ang 1 trilyong yuan RMB na pondong piskal. Bukod dito, mag-iisyu ang pananalaping sentral ng 1 trilyong yuan RMB na government bond para sa paglaban sa pandemiya, at dadagdagan ang 1.6 trilyong yuan RMB na special bond ng mga pamahalaang lokal.
Dagdag ni Liu, upang makapaghatid ng benepisyo sa mga bahay-kalakal at mamamayan, babawasan din ng bansa ang buwis at gastos. Tinayang lalampas sa 2.5 trilyong yuan RMB ang bagong babawasang buwis at gastos sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera