|
||||||||
|
||
Ligtas, mainam na tinatanggap ng katawan at lumilikha ng immune response sa SARS-COV-2 sa mga tao ang COVID-19 vaccine trial ng Tsina, kauna-unahang bakunang umabot sa phase 1 ng klinikal na pagsusuri. Iniulat ito Mayo 22, 2020 ng The Lancet, medikal na journal.
Sinabi din ng Lancet na positibo ang bunga ng 28 araw na open-label trial sa 108 na malusog na tao; at masusuri ang pinakahuling bunga pagkatapos ng 6 na buwan. Ipapakita ng susunod na trials kung matatamo o hindi ang epektibong paglaban sa impeksyon mula sa SARS-COV-2.
Sinabi ni Chen Wei, mananaliksik ng Beijing Institute of Biotechnology, na ang kasalukuyang bunga ay mahalagang milestone. Sinabi niya na, walang katulad ang hamon sa proseso ng pananaliksik sa COVID-19 vaccine. Ang bunga na natamo ngayon ay nagpakita ng mabuting pangitain sa kinabukasan. Pero, malayo pang magkaroon ng bakuna para sa lahat, aniya pa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |