Ayon sa isang news briefing na idinaos nitong Lunes, Abril 27, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, kasalukuyang maayos na isinusulong ang plano ng pagsubok-yari ng 2019-nCoV vaccine sa limang direksyon na suportado ng pamahalaang Tsino.
Ipinahayag ng mga ekspertong medikal na malaking proyekto ang pagsubok-yari ng bakuna, at nagkakaroon ang Tsina, Amerika, Alemanya, Britanya at iba pang bansa, ng kooperasyon sa larangang ito. Umaasa anila silang mapapatingkad ng iba't-ibang laboratoryo at bahay-kalakal ang kani-kanilang bentahe at mapapabilis ang pagsubok-yari ng bakuna para makuha ang ligtas at mabisang gamot sa pinakamadaling panahon.
Salin: Lito