|
||||||||
|
||
Sa pahayag na inilabas Mayo 22, 2020, ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Rusya, handa ang Rusya na makipag-diyalogo sa Amerika hinggil sa isyu ng Treaty on Open Skies, batay sa pantay na karapatan, at kagustuhang matamo ang mutwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Sinabi din kahapon ni Sergei Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, na natanggap ng Rusya ang official note mula sa Amerika kaugnay ng pag-urong nito sa Open Skies Treaty.
Nauna rito, ipinahayag ng mga opisyal Amerikano na maaaring muling isaalangalang ng Amerika ang kapasiyahang ito kung matutupad nang walang pasubali ng Rusya ang mga kahilingan ng Amerika sa darating na ilang buwan. Hinggil dito, sinabi ni Ryabkov na hindi isasagawa ang diyalogo ayon sa ultimatum na ito.
Nagkabisa ang Treaty on Open Skies noong 2002. Ang mga signatoryong panig ay maaaring magsagawa ng biglaang paglipad ng unarmed reconnaissance flight sa teritoryo ng kabilang panig para kumuha ng ng data hinggil sa mga pwersang militar at aktibidad nito.
Sa kasalukuyan, miyembro ng treaty ang 35 bansa na kinabibilangan ng Rusya, Amerika at ibang bansa ng North Atlantic Treaty Organization(NATO).
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |