Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, dumalo sa group meeting ng mga kagawad ng CPPCC mula sa sektor ng kabuhayan

(GMT+08:00) 2020-05-24 14:57:09       CRI

Sa kanyang pagdalo nitong Sabado, Mayo 23, 2020 sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan na kalahok sa ginaganap na sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat igiit ang multilateralismo at demokrasya sa relasyong pandaigdig, at buong tatag na pasulungin ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan.

Ito aniya ay tungo sa pagkakaroon ng bukas, inklusibo, balanse, at may win-win na resultang pag-u-ugnayan, upang mapasulong ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.

Tungkol sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, tinukoy ni Xi na dapat gawing pokus ng pag-unlad ng Tsina ang pangangailangang panloob, pabilisin ang pagtatatag ng kumpletong sistema ng pangangailang panloob, puspusang pasulungin ang inobasyon, palakasin ang digital economy, at isulong ang matalinong paggawa, at iba pang mga estratehikong bagong-sibol na industriya para umusbong ang mas maraming bagong growth point at mahubog ang mga bagong bentahe ng bansa sa pakikilahok sa kooperasyon at kompetisyong pandaigdig.

Kaugnay naman ng pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal ng bansa, sinabi ni Xi na ang mga pribadong bahay-kalakal ay nagsisilbing di-mababalewalang puwersa ng pagpapasulong sa pag-unlad ng Tsina. Mahigit 50% ang kanilang na-i-ambag na buwis, at mahigit 60% naman ang kanilang kontrisbusyon sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa."

Inenkorahe niya ang mga pribadong bahay-kalakal na walang-patid na humanap ng kalutasan sa magkakaibang hadlang sa magkakaibang panahon, at magpunyagi upang panaigan ang mga ito, upang makamtan ang bagong landas ng pag-unlad.

Tungkol sa pagpawi ng karalitaan sa kanayunan, sinabi ni Xi na ang mga magsasakang Tsino ay di-mababalewalang bahagi sa landas ng komong kasaganaan.

Diin ni Xi, dapat masipag na panaigan ang mga negatibong epektong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at buong tatag na isakatuparan ang target sa pagpawi ng karalitaan.

Aniya, para sa Tsina na may 1.4 bilyong populasyon, hindi kailanman dapat humina ang pundamental na katayuan ng agrikultura.

Dagdag ni Xi, sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat puspusang resolbahin ang mga problema sa proseso ng pag-unlad ng agrikultura, at ipauna ang mga isyung may kinalaman sa estruktura ng mga produktong agrikultural, kakayahan sa paglaban sa panganib, at lebel ng modernisasyon ng agrikultura.

Salin: Vera / Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>