|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagharap sa media, Mayo 24, 2020, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na layon ng kanyang bansang palakasin ang multilateral na kooperasyon sa harap ng pandaigdigang krisis na pangkalusugan.
Aniya pa, matatag din ang desisyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya ng bansa; at walang-tigil na isusulong ang kaisipan ng Tsina sa pag-unlad ng daigdig sa hinaharap.
Lubos na ipinakita nito ang ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan na iniharap ni Xi Jinping, Pinakamataas na lider ng Tsina, dagdag niya.
Sa harap ng mga isyung tulad ng "political virus" na ikinakalat ng ilang politikong Amerikano, ginawa ni Wang ang matapang na reaksyon.
Sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), unti-unti itong nababahiran ng kulay pulitika dahil sa ilang politikong Amerikano.
Dahil dito, umaasim ang relasyong Sino-Amerikano.
Ipinahayag ni Wang na bagama't magkakaiba ang sistemang panlipunan at kultura ng Tsina at Amerika, dapat hanapin ng dalawang bansa ang mapayapang pakikipamuhayan sa isa't isa at pagsasakatuparan ng win-win result.
Sa harap ng mga isyu ng Espesyal na Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at isyu ng rehiyong Taiwan, ginawa din ni Wang ang malakas na reaksyon, upang buong tatag na pangalagaan ang soberanya ng bansa.
Tungo sa pagpapabuti ng pandagidigang sistema ng pagsasaayos, iniharap ni Wang ang paniniwala ng Tsina, na nagpakita ng responsableng pakikitungo sa pag-unlad ng lipunan ng buong sangkatauhan.
Ang mundo ang tahanan ng lahat, at sa katotohanan, mayroong pinagbabahaginang kinabukasan ang buong sangkatauhan.
Ang pagkakaisa ang tanging paraan ng sangkatauhan upang matamo ang tagumpay laban sa pandemiya, at pasulungin ang bagong pag-unlad.
Laging pangangalagaan ng Tsina ang komong kapakanan ng buong daigdig.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |