Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi: Kooperasyon sa siyentipikong pananaliksik upang hanapin ang pinag-ugatan ng virus, dapat maging propesyonal, makatarungan at konstruktibo

(GMT+08:00) 2020-05-24 16:37:19       CRI

Sa news briefing ng Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bukas ang pakikitungo ng panig Tsino sa pandaigdigang sirkulo ng siyensiya, sa aspekto ng kooperasyon sa siyentipikong pananaliksik upang hanapin ang pinag-ugatan ng virus.

Samantala, ipinalalagay aniya ng Tsina na dapat maging propesyonal, makatarungan at konstruktibo ang proseso ng pananaliksik.

Ani Wang, ang alitan ng panig Tsino at ilang politikong Amerikano sa isyu ng pinag-ugatan ng virus ay distansiya sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan, at siyensiya't pagkiling.

Ang paghahanap sa ugat ng virus ay isang seryoso't masalimuot na isyung pansiyensiya, at dapat itong pag-aralan at hanapin ng mga siyentipiko at dalubhasang medikal, dagdag niya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>