|
||||||||
|
||
Hanggang noong Mayo 23, 2020, 5.1 milyong kaso at mahigit 330 libo naman ang namatay dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Dahil dito, inaantabayanan ng buong daigdig ang progreso ng pananalisik sa bakuna.
Kaugnay nito, ipinalabas noong Mayo 22, 2020, ng The Lancet, medikal na dyornal, ang bunga ng kauna-unahang human trial ng COVID-19 vaccine na ipinagkaloob ng Tsina.
Ayon sa resulta, ligtas at mainam itong tinatanggap ng katawan.
Hinggil dito, sinabi ni Rao Zihe, Academician ng China Academy of Science, na ipinagkaloob ng mga mananaliksik na Tsino ang mahalagang batayang pansiyensiya para sa paglaban sa pandemiya.
Si Rao Zihe,Academician ng China Academy of Science
Ayon pa rin sa The Lancet, positibo ang bunga ng 28 araw na open-label trial sa 108 na malusog na tao.
Ipinahayag ni Chen Wei, namamahalang dalubhasa ng Academy of Military Sciences ng People's Liberation Army (PLA), na ipinakikita nitong may pag-asa ang kinabukasan ng pananaliksik sa bakuna.
Ibinahagi rin ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng The Lancet, ang balitang ito sa social media.
Sinabi niyang ang bungang ito ay napakahalagang milestone.
Ayon naman sa World Health Orgnization (WHO), mahigit 120 bakuna ang nasa ilalim ngayon ng pananaliksik sa buong daigdig.
Tinukoy din ni Rao na walang pambansang hanggahan ang virus, wala rin pambansang hanggahan ang siyensiya, at ang pandaigdigang kooperasyon ay maaaring magpabilis sa inobasyon at progreso ng siyensiya at teknolohiya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |