Sa kanyang panayam, Mayo 25, 2020 sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Rita Fan Hsu Lai Tai, dating Tagapangulo ng Legislative Council ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang mga nagra-rayot ay nakakasira sa Hong Kong.
Dapat aniyang agarang isagawa ang hakbangin para pasakan ang tumatagas na butas sa batas ng Hong Kong, at ipadama ang kamay na bakal ng batas sa mga demonstrador.
Aniya pa, napapanahon, mahalaga, at kailangan ang Hong Kong National Security Legislation ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Ipinahayag din niya na igagarantiya ng naturang lehislasyon ang katatagan ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Hong Kong.
Ito ay pundasyon ng kapayapaan at kasaganaan ng HKSAR, mariin niyang pahayag.
Salin:Sarah