Sa social media, ipinahayag ni Fu Xuejie, asawa ni Li Wenliang, na makaraan malaman niya mula sa isang website na iniharap ng mambabatas na Amerikano ang panukalang palitan ang kalye sa harap ng Embahadang Tsino sa Amerika bilang "Li Wenliang Plaza," lubos niya itong ikinalungkot.
Aniya, si Li ay isang miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at lubos na mahal ang kanyang bansa. Kung buhay pa siya, imposibleng pahintulutan ni Li ang paggamit ng iba ng kanyang pangalan para sirain ang kanyang bansa.
Si Li Wenliang ay isang ophthalmologist sa Wuhan na unang nagbigay-babala sa bansa tungkol sa COVID-19. Sa kasawiang palad namatay siya dahil sa epidemiya.
Salin: Lito