Sa mga unang araw ng pagsiklab ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, sanhi ng labis na presyur sa sistemang medikal at limitadong bilang ng testing kit, ilang tao ang pumanaw bago pa man mailakip sa bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ngunit, hindi ito nangangahulugang sila ay nalimutan.
Matapos ang ilang buwang komprehensibong imbestigasyon, nirebisa ng Wuhan ang numero ng mga kumpirmadong kaso at nasawi dahil sa epidemiya. Ito ay nagkakaloob ng ginhawa sa mga nagdadalamhating pamilya ng mga biktima.
Salin: Lito