|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na inilabas nitong Linggo, Hunyo 7, 2020 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula Enero hanggang Mayo ng taong ito, 11.54 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ito ay bumaba ng 4.9% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, 6.2 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pagluluwas, na bumaba ng 4.7%; 5.34 trilyong yuan naman ang pag-aangkat, na bumaba ng 5.2%.
Samantala, nagpatuloy ang tunguhin ng paglago ng pagluluwas noong Mayo.
Ayon pa sa datos, mula noong Enero hanggang Mayo, umabot sa 1.7 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ito ay lumaki ng 4.2% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ang ASEAN ay nagsilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Dagdag pa riyan, 3.43 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Kabilang dito, lumaki ng 8.1%, 6.9% at 7.5% ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Thailand, Poland at Hungary, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |