|
||||||||
|
||
Ipinadala Martes, Hunyo 9, 2020 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang mensahe sa isa't-isa bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na nitong 45 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, natamo ng kanilang relasyon ang napakalaking pag-unlad. Lalong lalo na, aniya, nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, lumalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, at mabunga ang kanilang magkasamang pagtatatag ng "Belt and Road," bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at nakakapagbigay ng positibong ambag para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Ipinagdiinan pa ni Xi ang kanyang pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Pangulong Duterte para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pilipino para magkasamang labanan ang COVID-19, dagdag pa niya.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Duterte na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong 1975, walang humpay na umuunlad ang kanilang relasyon. Aniya, dahil kasalukuyang kinakaharap ng kaligtasan at katatagang pandaigdig ang hamon, at unti-unting namumukod ang mga banta sa di-tradisyonal na larangang panseguridad na gaya ng COVID-19 pandemic, nagiging napakahalaga ang ibayo pang pagpapalakas ng partnership ng Pilipinas at Tsina.
Dagdag pa niya, pinahahalagahan ng panig Pilipino ang relasyon sa Tsina, at nakahanda itong magsikap kasama ng panig Tsino para walang humpay na mapalalim ang komprehensibo't estratihikong kooperasyon, at mapasulong ang kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |