
Isinagawa mula Mayo 14 hanggang unang araw ng Hunyo sa Wuhan ang malawakang nucleic acid testing sa mga mamamayan. Nagpositibo ang 300 asymptomatic na tao pero wala silang anumang throat swabs at sputum samples na may cultivated coronavirus, ayon sa ulat ng Wuhan Municipal Health Commission.
Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ipinakita nitong napakababa ang bilang ng mga virus o walang "aktibong virus" sa mga samples. Ipinakita din nitong hindi nakakahawa ang mga asymptomatic carriers sa Wuhan.
Salin:Sarah