|
||||||||
|
||
Isinagawa mula Mayo 14, 2020 hanggang unang araw ng Hunyo, sa lunsod Wuhan, ang testing ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 9.89 milyong tao, at walang natuklasang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ayon sa resulta ng testing, 300 ang kabuuang asymptomatic na kaso; 1,174 ang mga contacts, at negatibo ang bunga ng test nila.
Ipinahayag ni Wang Ying, dalubhasang medikal ng Shanghai Jiao Tong University na ayon sa resultang ito, hindi malakas makahawa ang mga asymptomatic na kaso. Posibleng dala nila ang "dead virus".
Sinang-ayunan ang naturang konklusyon ni Zhang Boli, Academician ng Chinese Academy of Engineering.
Ipinalalagay din ng mga dalubhasa na ang malawakang testing na ito sa Wuhan ay maaaring maging modelo sa pagpigil at pagkontrol ng epidemiya sa buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |