Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina at Belarus, nag-usap sa telepono; kooperasyon pahihigpitin

(GMT+08:00) 2020-06-12 16:28:30       CRI

Nag-usap sa telepono Hunyo 11, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alexander Grigoryevich Lukashenko ng Belarus.

Tinukoy ni Xi na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagtulungan ang Tsina at Belarus, na nagpakita ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang Belarus sa mga isinasagawang mga hakbangin ng paglaban sa COVID-19 na angkop sa kalagayan ng sariling bansa. Patuloy na ibabahagi ng Tsina ang karanasan ng pagpigil at pagkontrol ng COVID-19 sa Belarus. Nananalig ang Tsina na sa pamumuno ni Pangulong Lukashenko, tiyak na magtatagumpay ang mga mamamayan ng Belarus sa paglaban sa epidemiya.

Pinasalamatan ng Tsina ang mga tulong na ipinagkaloob ng Belarus para sa mga mamamayang Tsino na nasa Belarus.

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Belarus, para palakasin ang kooperasyon upang magkakasamang itatatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

Binigyan-diin ni Xi na sa kasalukuyan, mainam ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Belarus. Datapuwa't naapektuhan ng epidemiya ang bilateral na pagpapalitan ng dalawang panig, matibay ang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa. Dapat hanapin ng dalawang bansa ang pagkakataon mula sa hamon, palalimin ang kooperasyon ng pagtatatag ng "Belt and Road", para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Lukashenko na ginagalang ng Tsina ang landas ng pag-unlad na pilini ng Belarus, at ipinagkaloob ng Tsina ang malakas na suporta sa Belarus sa paglaban sa epidemiya. Pinasasalamatan ito ng Belarus. Ang Tsina at Belarus ay magandang magkaibigan, buong tatag na suportahan ng Belarus ang Tsina sa mga isyung may kinalaman sa masusing kapakanan ng Tsina.

Nakahanda ang Belarus na patuloy na palawakin ang bilateral na kalakalan ng Tsina at Belarus, magkasamang itatag ang BR, at pasulungin ang aktuwal na kooperasyon ng dalawag panig sa iba't ibang larangan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>