Ayon sa pinakahuling ulat na ipinalabas nitong Biyernes, Hunyo 12, 2020 ng United Nations University World Institute for Development Economics Research (UNU-WIDER), dahil sa resesyong pangkabuhayan na bunsod ng COVID-19 pandemic, posibleng lumaki ng 395 milyon ang bilang ng mga lubos na hikahos na tao sa daigdig. Dulot nito, posibleng pumalo sa 1.12 bilyon ang bilang ng pinakamahihirap na mamamayan sa buong daigdig na di-nakakaabot sa 1.9 dolyares ang kanilang arawang kita.
Anito pa, kung hindi magtutulungan ang iba't-ibang bansa sa pagharap sa krisis, posibleng umurong ng 20 hanggang 30 taon ang proseso ng pagbabawas ng karalitaan sa daigdig.
Salin: Lito