Inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa aksyon ng Tsina sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Detalyadong isinalaysay sa nasabing white paper ang mga karanasan at bunga ng Tsina sa proseso ng pagpuksa sa pandemiya.
Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), binigyan ni Abbas Mousavi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, ng positibong pagtasa ang napakabuting bunga na natamo ng Tsina sa pagpuksa sa pandemiya, kasama ng iba't ibang bansa sa daigdig. Aniya, ang mahahalagang karanasan ng Tsina sa proseso ng paglaban sa COVID-19 pandemic ay nagsilbing modelo ng ibang bansa sa daigdig.
Dagdag niya, bilang isang responsableng bansa, pagkaraang matagumpay na makontrol ang kalagayan ng pandemiya sa loob ng sariling bansa, nagkaloob ang Tsina ng tulong sa maraming bansa na kinabibilangan ng Iran. Dahil dito, unti-unting nakontrol ng Iran ang kalagayan ng pandemiya.
Nagpapatunay ito sa katotohanan na ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa ay nakakatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng iba't ibang panig sa pagharap sa anumang krisis na pangkalusugan, at pinasalamatan ng Iran ang Tsina dahil dito, ani Mousavi.
Salin: Vera