|
||||||||
|
||
Isinulat kamakailan ni Nasser Bouchiba, Tagapangulo ng Africa China Cooperation Association for Development (ACCAD) ng Morocco, ang artikulong pinamagatang "Pagbabahagi ng karanasang Tsino sa paglaban sa pandemiya, makakabuti sa pagkumpleto ng sistema ng kalusugang pampubliko sa Aprika."
Anang artikulo, inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang white paper hinggil sa hakbang ng Tsina sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at ito ay mahalagang dokumento ukol sa pagpuksa ng Tsina sa COVID-19.
Isinalaysay ng nasabing artikulo na ibinahagi sa white paper ang kaukulang karanasan, at makakatulong ito sa komunidad ng daigdig, lalong lalo na, sa mga umuunlad na bansa, sa paglaban sa pandemiya.
Ayon sa white paper, ipinagkaloob o ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa pagpuksa sa pandemiya sa 150 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig.
Noong unang dako ng Marso, lumitaw sa Morocco ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Anang artikulo, nahaharap ang Morocco sa kakulangan ng maskara.
Sa ika-2 araw pagkaraang ipatalastas ng Morocco ang pagpasok sa state of emergency ng kalusugang pampubliko, ipinadala ng Beijing Qian Tong Desalinattion Ltd, Chinese partner ng ACCAD, ang unang pangkat ng 10,000 maskara sa ACCAD.
Palagay ni Bouchiba, sa maigting na kalagayan ng COVID-19 pandemic, kailangang repormahin o muling itatag ng maraming bansa ang kani-kanilang sistema ng kalusugang pampubliko, isa-isantabi ang alitan, at palakasin ang kooperasyong pandaigdig.
Aniya, ang karanasan ng Tsina ay makakatulong sa pagtatatag ng Aprika ng mas mabisa at kompletong sistema ng kalusugang pampubliko.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |