Sa kanyang mensahe kay Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos kahapon Hunyo 15, 2020, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Laos sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Nananalig siyang sa magkakasamang pagsisikap ng Tsina, Laos at komunidad ng daigdig, tiyak na magtatagumpay ang laban sa COVID-19.
Nauna rito, sa kahilingan ng Laos, ipinadala ng Tsina ang medikal na grupo sa Laos, at ipinagkaloob din ang mga materyal, para tulungan ang Laos sa paglaban sa COVID-19.
Sa liham ng pasasalamat kay Xi, sinabi ni Bounnhang, na ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Laos ay lubos na nagpakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, at nagbigay ng mahalagang ambag para sa pangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ng Laos.
Bilang sagot, ipinahayag ni Xi na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Laos, para pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos, at magbigay ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah