Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Martes ng gabi, Hunyo 16, 2020 kay Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa napakahirap na panahon ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa COVID-19, nagkaloob ang pamahalaan at iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng Tajikistan ng malaking pagkatig sa usaping ito ng Tsina. Aniya, sapul nang matuklasan ang epidemiya sa Tajikistan, nagkaloob din ang Tsina ng tulong hangga't makakaya, sa bansang ito. Ito aniya ay lubos na nagpapakita ng kahulugan at nilalaman ng komunidad ng kaunlaran at kaligtasan ng dalawang bansa.
Ipinahayag pa ni Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Tajikistan, para magkakasamang mapagtagumpayan ang epidemiya.
Ipinahayag naman ni Rahmon na sa malakas na pamumuno ni Xi, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa pakikibaka laban sa epidemiya. Ito aniya ay nagpapakita ng mabuting kakayahan ng pangangasiwa ng pamahalaang Tsino. Pinasalamatan din aniya ng kanyang bansa ang ibinibigay na malaking pagkatig ng Tsina sa Tajikistan sa paglaban sa epidemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan. Nakahanda ang Tajikistan na magsikap kasama ng Tsina, para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag niya.
Salin: Lito