|
||||||||
|
||
Pinanguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2020 ang Extraordinary China-Africa Summit on Solidarity against COVID-19.
Sa kanyang talumpati, sinabi niyang sa harap ng pandemiya ng COVID-19, mas lumalakas ang pagkakaisa ng Tsina at Aprika, at tumitibay ang mapagkaibigang pagtitiwalaan ng kapuwa panig.
Patuloy at puspusang kakatigan ng panig Tsino ang aksyon ng Aprika kontra pandemiya, aniya.
Ang nasabing summit ay ginanap sa ilalim ng magkakasamang mungkahi ng Tsina, Timog Aprika at Senegal.
Ang Timog Aprika ay kasalukuyang tagapangulong bansa ng Unyong Aprikano (AU), at ang Senegal naman ay co-chair ng Forum on China-Africa Cooperation.
Tinukoy ni Xi na kapuwa nahaharap ang Tsina at Aprika sa napakahirap na tungkulin ng paglaban sa pandemiya, pagpapatatag ng kabuhayan, at pangangalaga sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Dapat aniyang ipauna ang mga mamamayan at buhay, magbuklud-buklod at magtulungan, upang mapangalagaan hangga't makakaya ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at pababain sa pinakamalaking digri ang negatibong epekto ng pandemiya.
Saad ni Xi, sa ilalim ng balangkas ng Forum on China-Africa Cooperation, tatanggalin ng Tsina ang utang ng mga kaukulang bansang Aprikano sa porma ng interest-free government loans na may katapusan ng pagbabayad hanggang huling dako ng 2020.
Pag-iibayuhin din aniya ng Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, ang suporta sa mga bansang Aprikano na nahaharap sa napakakritikal na kondisyon ng pandemiya, at napakalaking presyur.
Patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang tulong na materyal at pondo sa mga bansang Aprikano, ipapadala ang mga grupo ng mga dalubhasang medikal, at tutulungan ang panig Aprikano sa pagbili ng mga materyal para gamitin sa paglaban sa pandemiya, ani Xi.
Ipinagdiinan ng pangulong Tsino ang pagtutol sa pagsasapulitika ng epidemiya, istigmatisasyon ng virus, pagtatanging panlahi, at pagkiling sa kaisipan.
Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng sangkatauhan ang pandemiya, at magkakaroon ng mas magandang pamumuhay ang mga mamamayang Tsino't Aprikano.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |