|
||||||||
|
||
Pinanguluhan at nagtalumpati nitong Huwebes, Hunyo 17, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Extraordinary China-Africa Summit on Solidarity against COVID-19.
Pagkatapos ng summit, isinalaysay ni Chen Xiaodong, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga natamong bunga sa nasabing summit.
Ani Chen, ang katatapos na summit ay isang espesyal na pagtitipun-tipon ng mga lider ng Tsina at Aprika, sa kalagayan ng magkakasamang paglaban sa pandemiya ng COVID-19.
Bumigkas aniya si Xi ng talumpati sa summit, at nagharap ng isang serye ng mga mahalagang mungkahi at paninindigan.
Saad ni Chen, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang iba't ibang kalahok na panig tungkol sa pagkatig sa paglaban ng Aprika sa pandemiya, at pagpapasulong sa kooperasyon ng Tsina at Aprika, maging ng buong mundo kontra epidemiya.
Nagkaroon aniya ng malawakang komong palagay sa usaping ito.
Inilabas sa summit ang magkakasanib na pahayag, at inilakip dito ang mga komong paninindigan ng Tsina at Aprika kaugnay sa serye ng mahahalagang isyu, dagdag niya.
Ayon kay Chen, ibayo pang pasusulungin ng nasabing summit ang magkakapit-bisig na paglaban ng Tsina at Aprika sa pandemiya ng COVID-19, at pasisiglahin ang kompiyansa ng daigdig sa pagpuksa ng pandemiya sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |