|
||||||||
|
||
Martes, Hunyo 23, 2020, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang huling satellite ng BeiDou Navigation Satellite System (BDS).
Ito ay mas maaga ng kalahating taon kumpara sa naunang nakatakdang plano.
Kaugnay nito, ini-ulat nang araw ring iyon ng British Broadcasting Corporation (BBC) na ang nasabing matagumpay na paglulunsad ng Tsina ay ibayo pang nakapagpasulong sa mahalagang katayuan nito sa usaping pangkalawakan.
Sa hinaharap, maaaring hindi na magde-depende ang Tsina sa Global Positioning System (GPS) ng Amerika, dagdag ng ulat.
Sinipi naman ng pahayagang "The Guardian" ng Britanya ang panayam ng China Media Group (CMG) kay Yang Changfeng, punong tagapagdisenyo ng BDS, at ayon dito, ang Tsina ay isa na ngayong pangunahing bansa sa larangang pangkalawakan.
Patungo na ang Tsina sa landas ng pagiging higante sa usaping pangkalawakan, diin pa ng pahayagan.
Ipinalalagay naman ng pahayagang "Daily Mail" ng Britanya na ang pagpapabuti ng Tsina ng sariling global navigation system ay nakakabawas sa pagkadepende ng sa GPS at nakakapagpataas ng lakas at imahe nito sa larangang pangkalawakan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |