Ang taong 2020 ay Ika-75 anibersaryo ng tagumpay ng World War II, at ito rin ang Ika-75 anibersaryo ng Great Patriotic War ng Rusya.
Kaugnay nito, ipinadala ng Tsina ang delegasyon at Honor Guard para lumahok sa Victory Day Parade sa Rusya.
Ipinahayag Hunyo 24, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Rusya at komunidad ng daigdig, para panatilihin ang tumpak na pagka-unawa sa kasaysayan ng World War II, tutulan ang pagbaluktot sa kasaysayan at pagbibigay ng magandang imahe sa pananalakay, tungo sa magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig.
Salin:Sarah