Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nayong Hanjiaoshui, umaahon patungo sa isang magandang lugar mula parang disyerto

(GMT+08:00) 2020-06-28 16:05:46       CRI

Si Ma Tianzhi ay taga-nayon ng Hanjiaoshui, bayang Zhongning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia ng Tsina.

Ipinahayag niyang "nagkakaroon na ng mabuting pamumuhay ang bawat pamilya sa kanyang nayon, naitatanim na ang mga puno, nagiging luntian ang mga bundok, at iyan ang kanyang pangarap."

Ngunit noong mga nakaraang panahon, isang parang disyerto ang nayong Hanjiaoshui.

Nayong Hanjiaoshui noong nakaraang panahon

Minsan ay tinamaan ng tagtuyot at karalitaan ang nayong Hanjiaoshui.

Dahil sa masamang ani, naging mahirap ang buhay ni Ma Tianzhi.

Nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Ningxia ang proyekto ng ekolohikal na pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, at sa pamaamgitan nito, dumaloy ang tubig ng Yellow River sa nayong ito.

Dumaloy ang tubig ng Yellow River sa mga sakahan

Dahil sa isinasagawang targeted poverty alleviation project ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia at mga preperensyal na patakaran ng bansa, nararamdaman ni Ma ang pagdami ng kanyang kita sa maraming paraan.

Nagtatrabaho si Ma sa sakahan

Si Ma ay nagtanim ng red dates na umaani ng mahigit 3,000 kilo.

Dahil dito, siya ay nagsisilbing malaking prodyuser ng red dates sa kanyang nayon. Bukod pa riyan, nag-aalaga rin siya ng mahigit isang daang kambing.

Bunga nito, lumampas sa 10 libong yuan ang per capita disposable income ng pamilya ni Ma.

Bagong bahay ni Ma Tianzhi

Saklaw ng 19 na administrative villages ang nayong Hanjiaoshui na pawang maliliit na nayon noong naunang panahon.

Sa kasalukuyan, nai-ahon na mula sa kahirapan ang nasabing 19 na nayong administratibo.

Sa lahat ng 3,899 na mahirap na populasyon sa Hanjiaoshui, 3,819 ang umahon na mula sa karalitaan, at may posibilidad na mapawi na rin ang karalitaan ng natitirang 80 katao sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Ano ang maginhawang pamumuhay, tanong kay Ma?

Aniya, pag-unlad ng kabuhayan, pagkakaroon ng tubig, at pagsasaberde ng bundok.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>