|
||||||||
|
||
Namumuhay sa isang nayon ng Lahing Hezhe ng Tongjiang City, Lalawigang Heilongjiang ng Tsina ang pamilya ni You Guoming sa loob ng maraming henerasyon. Nagsimulang mangisda si You, kasama ng kanyang ama, noong 13 taong gulang pa lamang siya.
Noong katapusan ng nagdaang siglo, dahil sa kakulangan ng yaman ng pangingisda, naharap sa kahirapan sa pamumuhay ang mga mangingisda ng Lahing Hezhe. Binigyan ng pamahalaan ng mga lupa ang mga mangingisda, at sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-hahayupan, unti-unting bumuti ang kani-kanilang pamumuhay.
Noong 2016, bumisita sa nasabing nayon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, at kinumusta ang mga mamamayan ng Lahing Hezhe.
Bilang kalihim ng party branch ng nayon, nagkaroon ng ideya si You Guoming. Gamit ang bentahe ng nayon, pinasigla niya ang mga taga-nayon na pag-aralan ang turismo.
Inilunsad nila ang dalawang linyang panturista na nagtatampok sa kaugalian ng Lahing Hezhe at pangingisda, at itinatag ang mahigit 30 katangi-tanging Bed & Breakfast (B&B).
Nitong nakalipas na 3 taon, tinanggap ng nayong ito ang mahigit 40,000 mga turista, at halos sandaang milyon yuan RMB ang net tourism revenue. Umabot sa 22,000 ang per-capita net income ng nayong ito, at umahon sa kahirapan ang lahat ng mga rehistradong mahirap na pamilya.
Salaysay ni You, sa kasalukuyan, may dalawang malaking bapor-panturista sa nayon. Plano nilang makipag-ugnayan sa panig Ruso, para buksan ang isang pandaigdigang rutang panturista sa pagitan ng Tsina at Rusya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |