Ayon sa pinakahuling estadistikang isinapubliko nitong Lunes, Hunyo 29, 2020 (local time) ng U.S. Department of Labor, Bureau of Labor Statistics, noong isang buwan, bumaba ng 52.8% ang proporsyon ng employment rate ng Amerika. Ibig sabihin, sa buwang iyon, halos 47.2% ng mga mamamayang Amerikano ang nawalan ng trabaho.
Ayon pa sa datos, noong nagdaang Enero, nasa 61.2% ang employment rate sa Amerika. Sapul noong taong 1948, ang pinakamataas na lebel ng employment rate ng bansang ito ay 64.7% noong taong 2000.
Salin: Lito