|
||||||||
|
||
Ayon sa media ng Pransya, sa ilalim ng ilang kondisyon, nakatakdang buksan ng Unyong Europeo (EU) ang hanggahan ng 15 bansa at rehiyong miyembro nito, Hulyo 1, 2020.
Samantala, hindi pa isinasapubliko ng EU ang listahan ng nasabing mga bansa't rehiyon.
Ayon sa ulat, dahil sa krisis ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), apektado ng travel ban ng EU ang Amerika.
Sa kabila nito, hindi kasama ang Amerika sa listahan ng mga maaari nang magbiyahe sa loob ng EU sa unang araw ng Hulyo.
Sa epekto ng COVID-19, mula Marso 17, 2020, sinarhan ng EU ang hanggahan nito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |