|
||||||||
|
||
Dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), halos 4 na buwang tumigil ang turismo ng buong mundo.
Umabot sa di-kukulangin 1.2 trilyong dolyares ang kapinsalaan, at ito ay katumbas ng 1.5% ng global gross domestic product (GDP).
Ang impormasyong ito ay isiniwalat sa ulat nitong Miyerkules, Hulyo 1, 2020 ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD).
Tinaya ng ulat na sa pinakapesimistikong kalagayan, kung tatagal ng 12 buwan ang epekto ng pandemiya, posibleng umabot sa 3.3 trilyong dolyares ang kapinsalaan sa turismong pandaigdig.
Tinukoy rin ng ulat na posibleng maging mas grabe ang epekto ng kapinsalaang panturismo sa mga umuunlad na bansa.
Dahil dito, nanawagan ang UNCTAD sa iba't ibang bansa na palakasin ang segurong panlipunan, at pigilan ang pagsadlak sa kahirapan ng mga mamamayang naghahanap-buhay sa larangan ng turismo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |