Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mike Pompeo, buhay na relikya ng Cold War

(GMT+08:00) 2020-07-02 12:52:05       CRI

Mahigit 20 taon na ang nakararaan nang matapos ang Cold War, pero ilang pulitiko sa Washington ang nabubuhay pa rin sa panahon ito.

Si Mike Pompeo, kasalukuyang Kalihim ng Estado ng Amerika ay isang magandang halimbawa ng buhay na relikya ng Cold War.

Damang-dama ang kaisipan ng Cold War sa kanyang mga talumpati sa Copenhagen Democracy Summit noong Hunyo 19 at Brussels Forum ng German Marshall Fund noong Hunyo 25.

Ang mga detalye ng mga talumpati ni Pompeo ay nagbubunyag ng kanyang ostilong pakikitungo sa Partido Komunista ng Tsina (CPC) at sistema ng Tsina.

Sa nasabing mga talumpati, sinadya niyang ginamit ang Chinese Communist Party (CCP) bilang kahalili sa Tsina, at tinawag niya ang Tsina na "Tsina ng CCP."

Sa katunayan, ang tumpak na pangalan ng Partido Komunista ng Tsina ay CPC at hindi CCP.

Sinisiraan ni Pompeo ang CPC at sistema ng Tsina, at inilalarawan ang Tsina bilang isang bansang may sentralisadong kapangyarihan.

Nang mabanggit ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), patuloy niyang sinisi ang Tsina sa di-mabisang pagharap ng Amerika sa pandemiya.

Sa katotohanan, ang Amerika mismo ang siyang nagsinungaling sa isyu ng virus, nagpabaya sa pagpigil sa pagkalat ng virus, at kulang sa transparency.

Pagkaraang sumiklab ang pandemiya, agarang isinagawa ng Tsina ang lock down para pigilan ang ibayo pang pagkalat ng virus.

Bukod dito, napapanahon nitong ipinaalam sa World Health Organization (WHO) ang kalagayan ng epidemiya, at ibinahagi sa ibang bansa ang impormasyon ukol dito.

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling negatibo ang atityud ng Amerika sa pagharap sa pandemiya.

Ayon sa ulat ng Columbia Broadcasting System (CBS) ng Amerika noong Mayo 24, itiniwalag sa trabaho ang isang babaeng kawani ng Departamento ng Kalusugan ng Florida State, dahil hindi siya pumayag na baguhin ang datos hinggil sa kalagayan ng pandemiya.

Ayon naman sa isang artikulong pinamagatang "Bakit Iniluluwas ng Amerika ang Virus" ng New York Times noong Hunyo 23, ibinunyag nitong sinasadyang iniluluwas ng Amerika ang virus sa daigdig, at pinababalik ang mga mandarayuhang nahawa ng COVID-19 sa mahihirap na bansang may mahinang kakayahan sa pagharap sa nakahahawang sakit.

Sa mga talumpati ni Pompeo, kitang-kita ang pagtatangka ng Amerika na likhain ang "dalawang daigdig" para ibukod ang Tsina.

Inilalarawan niya ang Tsina bilang isang awtokratikong bansa, at pinapaganda ang imahe ng Amerika bilang "malayang lupa."

Hiniling din niya sa Europa na mamili sa pagitan ng dalawang panig.

Hindi bago ang ganitong estratehiya ni Pompeo.

Sa katunayan, ginamit ng Amerika ang katulad na paraan para labanan ang Unyong Sobyet noong dati.

Pero hindi Unyong Sobyet ang Tsina, at hinding-hindi magtatagumpay ang tangka ng Amerika.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing tema ng panahon ang kapayapaan at kaunlaran, at ang kooperasyon at win-win situation ang pangunahing moda ng panahon.

Sa bandang huli, tatalikuran ng kasaysayan ang mga taong naggigiit ng "zero-sum game" na kaisipan ng Cold War.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>