|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagpapatalastas ng Amerika na tatalikuran nito ang World Health Organization (WHO), sinabi nitong Miyerkules, Hulyo 8, 2020 sa Beijing ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing kilos ng Amerika ay matinding kasiraan sa pandaigdigang pagsisikap laban sa pandemiya.
Ani Zhao, ito ay nagbunsod ng grabeng negatibong epekto sa mga umuunlad na bansang nangangailangan ng suportang pandaigdig.
Ito aniya ay isa pang halimbawa na iginigiit ng Amerika ang unilateralismo, at pagsira sa mga kombensyon.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na ipatupad ang mga responsibilidad at obligasyong pandaigdig, at ipakita ang pananagutan ng isang malaking bansa.
Dagdag ni Zhao, nananawagan din ang panig Tsino sa komunidad ng daigdig na ibayo pang magkaisa upang isulong ang multilateralismo, palakasin ang suporta at laang-gugulin sa WHO, at magkakasamang pangalagaan ang pandaigdigang seguridad ng kalusugang pampubliko.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |