Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komunidad ng daigdig, kinondena ang pagtalikod ng Amerika sa WHO

(GMT+08:00) 2020-07-10 16:09:47       CRI

Tuluy-tuloy na tumataas ang bilang ng mga nahawahan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, pero pormal na sinimulan ng pamahalaang Amerikano ang prosedyur ng pagkalas sa World Health Organization (WHO). Ang hakbang na ito ay mariing kinondena ng komunidad ng daigdig.

Ipinalalagay ng iba't ibang panig na ang WHO ay nagpapatingkad ng di-mababalewalang papel sa aspekto ng pagharap ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo. Sa masusing panahon ng paglaban sa pandemiya, ang pagkalas ng Amerika sa WHO ay hindi lamang nakakapinsala sa sariling pagsisikap laban sa pandemiya, kundi malubhang nakakasira rin sa kooperasyong pandaigdig kontra pandemiya.

Sa kanyang social media account, sinabi ni Richard Horton, Punong Patnugot ng magasing "The Lancet," na ang nasabing kilos ng Amerika ay karahansan laban sa mga mamamayan ng buong mundo.

Ipinahayag naman nitong Huwebes, Hulyo 9, 2020 ni Tagapagsalita Maria Zakharova ng Ministring Panlabas ng Rusya na tinututulan ng kanyang bansa ang pagsasapulitika ng pandaigdigang kooperasyong pangkalusugan. Aniya, di-konstruktibo ang ganitong aksyon ng Amerika, at dapat patuloy na patingkarin ng WHO ang namumuno't koordinadong papel sa aspekto ng pandaigdigang kooperasyong pangkalusugan.

Magkakasunod ding nagpahayag ng kalungkutan o pagbatikos dito ang mga opisyal na gaya nina Ministrong Panlabas Ann Linde ng Sweden, Ministro ng Kalusugan ng Alemanya na si Jens Spahn, Ministro ng Kalusugan ng Italya na si Roberto Speranza at iba pa.

Ipinalalagay naman ni Pascal Boniface, Direktor ng Institute for International and Strategic Affairs ng Pransya, na ang madalas na pagkalas ng Amerika sa mga organisasyon at kombensyong pandaigdig at paggigiit sa unilateralismo ay nakakasira sa umiiral na sistemang pandaigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>