Ipinahayag kamakailan ng mga liderato ng Ehipto, Guinea, South Sudan, Mauritania, Burkina Faso at iba pang bansang Aprikano na dapat igalang at suportahan ang pagsisikap ng Tsina para pangalagaan ang kaligtasan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR); at tutulan ang pakiki-alam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Pinagtibay kamakailan ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang National Security Law ng HKSAR.
Ang promulgasyon ng batas na ito ay karapatan ng sentral ng pamahalaan ng Tsina.
Sa buong proseso ng lehislasyon ng National Secrutiy Law ng HKSAR, mahigpit na sinunod ng Tsina ang diwa ng pandaigdigang alituntunin at sinuri ang mga karapatan ng mamamayan sa loob ng framework ng "Isang Bansa Dalawang Sistema," kaya hindi ito makakapinsala ng autonomiya ng HongKong.
Salin:Sarah