|
||||||||
|
||
Walang katuwiran na sinabi sa Ika-44 na Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations (UN), ng Amerika, Britanya at ibang bansa na ang National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina ay sumisira sa patakarang Isang bansa, Dalawang Sistema, at magdudulot ng maliwanag na epekto sa karapatang pantao ng HK.
Bilang tugon sa naturang maling pananalita, ipinahayag ng Cuba, sa ngalan ng 53 bansa, na ang National Security Legislation ay karapatang ipatupad ng isang bansa, at hindi ito isyu ng karapatang pantao.
Ang kaligtasan ay pundamental na pangangailangan ng isang bansa. Sa loob ng mahabang panahon, nakikialam ang Amerika sa mga suliranin ng HK.
Sa katotohanan, ang National Security Law ay makakabuti sa kasaganaan at katatagan ng HK. Noong Hulyo 8, 2020, binuksan ang Tanggapan para sa Pangangalaga sa Pambansang Seguridad ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa HKSAR, na nangangahulungang opisyal nang nagpaalam ang HK sa panahong may kakulangan sa pangangalaga sa seguridad. Tumaas nang araw rin iyon ang Hang Seng index ng HK, at ipinalalagay ng mga mamumuhunan na ang pagsasagawa ng National Security Law ng HongKong ay makakabuti sa pamilihan. Pagtitibayin nito ang katayuan ng HK bilang sentrong pinansyal ng Asya.
Sinipin din ng Reuters ng Britanya ang pahayag ng mga analista na makikinabang ang pamilihan ng HK mula sa mas maraming empresa at pondo mula sa mainland ng Tsina.
Sa mula't mula pa'y, iginagalang at isinasagawa ng mga taga-HK ang "Diwa ng Lion Mountain," na nangangahulugang, ang walang humpay na pagsisikap ay tiyak na magdudulot ng mas magandang kinabukasan. Ang National Security Law ng Hong Kong ay gagarantiya sa pagsisikap ng mga taga-HK, at kinabukasan ng Hong Kong.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |